Ang Mga Likas na Yaman ng Pilipinas

Ang Mga Likas na Yaman ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay may higit kumulang 7, 107 na isla. Binubuo ang bansa ng mga kabundukan, mga ilog iba pang natatanging anyong lupa at tubig. Dahil dito, hindi kataka-takang mayaman ang bansa sa mga likas na yaman.

Ilan sa mga ito ay ang mga mineral deposits, agricultural crops, sea and wild life.

Yaman sa lupa

Ang mga metal and mineral resources ay nagtatago sa masasaganang lupa ng bansa. Ayon sa datos ng philippine-history.org, sinasabing mayroong 21.5 bilyong metrikong tonelada ng metal deposits and Pilipinas samantalaing ang mga non-metal deposits and tinatayang nasa 19.3 bilyong metrikong tonelada.

Nauuna ang Nikel sa mga ito na syang matatagpuan sa Surigao del Norte, Davao, Palawan, Romblon and Samar. Ang Iron nama’y sagana sa locos Norte, Nueva Ecija, Camarines Norte at Cotabato. Ang Copper o Tanso ay makikita sa Zambales, Batangas, Mindoro, Panay at Negros.

Kasama sa mga non-deposits na matatagpuan sa bansa ay semento, lime at marble, asbestos, clay, guano, ispalto, feldspar, asupre, talc, silicon at phosphate.

Kabilang sa iba pang yamang-lupa ng bansa ay ang matataba nitong lupa na syang pangunahing pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan. Pinakauna sa mga ito ay ang pag-aani ng bigas, mais, tubo, niyog, abaka at tobacco. Kasama rin dito ang mga prutas tulad ng niyog, mangga at pakwan pati ang Pili na ginagamit sa pag gawa ng tsokolate, candy, sorbetes at sabon.

Yaman sa tubig

Sa yamang tubig, di mapagkakaila na tayo ay sagana sa mga iba’t ibang klase ng isda. May 2,400 na uri nito sa Pilipinas. Dito rin sa bansa matatagpuan ang pinaka maliit at pinaka malaking uri ng isda. Ang Pandaka Pygmea na may sukat na 1.1-1.5 cm o singlaki ng isang butil na bigas habang ang Whale Shark o mas kilala bilang Butanding ay may laki na 40 feet at may bigat na 8,000 pounds na maaring lumaki na higit sa sukat ng isang bus.

Ang mackerel, tuna, pusit, sugpo, crab, clam, at lobster naman ay ilan sa pangunahing mga lamang dagat na kinakalakal sa bansa at maging sa buong mundo.

Ang ating corals, seaweeds at perlas ay ilan pa sa lika na yaman ng ating katubigan. Sa katunayan, ang Pearl of Allah ang pinakamalaking perlas sa buong mundo ay nadikubre sa Palawan. Ito ay may bigat na 14 pounds at haba na 9.4 inches. Dahil dito, nararapat lang na tawagin ang Pilipinas na The Pearl of the Orient Seas.

Samantala, halos kalahati ng lupa sa bansa ay napupuno ng kagubatan. 60% sa mga ito ay nasa Mindanao.

Ang ating mga natural na yaman ay tunay na maipagmamalaki. Ngunit di ito nagtatapos dito. Patuloy ang pagkasira at pagka ubos ng mga ito ‘di dahil sa mga kalamidad na tumatama sa ating bansa kundi dahil sa mga sakim at di pagpaparami dito.

Ang pagigigng makakalikasan ay isa sa mga prinispyong itinataguyod ng Buhay Party-list. Bilang Pilipino, tungkulin nating alagaan at payabungin ang ating kalikasan. Dapat nating gamitin ang mga likas na yaman ng wasto upang ang mga tao ngayon at sa mga susunod na henerasyon ay makinabang dito at hindi ang iilan lamang.

This post was written by
BUHAY Party-List

1 Comment on "Ang Mga Likas na Yaman ng Pilipinas"

  • Angel Aecery S. Tabaosares says

    tama.dapat natin alagaan ang lahat na yaman ng Pilipinas.
    Ang kalikasan natin ang siyang ikinabubuhay ng bawat isa….diba?
    Dito natin kinukuha ang mga pagkain natin at ang ating pangkabuhayan..

Leave Your Comment